Wednesday, January 30, 2013

Random Me: Check-up

Check up ulit kanina, this time sa infectious disease specialist naman. Uunahan ko na kayo, isa sa mga gusto ko mangyari ay tumaba ako, medyo hindi ako sanay na payat ako, kaya naman sa usapan naming doktor kanina...

Doktor: Hi Precious, kamusta ka na?

Ako: Ok naman doc

Doktor: Kamusta ang appetite mo? malakas ka ba kumain at balanse ba?

Ako: Oo naman po, in fact bumigat na po ako, nung lumabas po ako nung Sabado 43kg ako, pero kanina lang tinimbang ako ng sercretary nyo 46kg na ako.

Doktor: Naku, baka sira ang timbangan!

(Wagas ka doc!!! lakas mo bumasag ng kaligayahan!!!)

Tuesday, January 29, 2013

Daing na Bangus

check-up ko kahapon, at bago yun nagpa-cbc muna ako. Tusok again my gas! Eniwei, maganda ang hemoglobin count ko kaya ibinaba na ng doctor (agad!!!!!) ang dosage ng steroid ko.

Pero hindi yan ang masaya sa kwento:

Pagdatin namin sa clinic ng hematologist ko sarado pa ito, wala pa ultimo ang nurses, peroooooo, may naka-upong apat na daing na bangus, isang throw pilo at apat ng coke zero dun sa bench sa may pintuan ng clinic. Sabi ni dad, "may nauna na sa atin," Sabi ko, "aba, pag di nila binalikan yan, kakainin ko yan, paborito ko yang bangus eh!"

Ang ingay ko tungkol sa bangus, andun pala sa kabilang bench yung may-ari, isang maingay na ale, natalo nanay ko sa lakas ng boses, so sa ingay nya, malamang di n'ya ko narinig.

Apat sila, yung aleng maingay at ang asawa n'yang di makali sa kalalakad, yung yaya, na tila nakatali ang katawan sa dun sa ale, at ang driver na s'ya namang buntot nung lalake.

Naawa ako dun sa lalake kasi tinatahi n'ya na yung buong hallway sa inip n'ya. Tapos na kasi s'ya tignan ng doktor n'ya, ang aleng maingay naman ang titignan ng doktor.

Maya maya pa'y bumalik ang driver para kausapin ang yaya. Dahil chismosa ako, nakinig ako sa usapan nila.

Natae daw sa salawal ang lalake ang hindi ito sa banyo ginawa, kundi dun sa sasakyan nila. Tinawag ng driver ang yaya upang linisin ang lalake. "Ano naman ang gagawin ko?" nag-aalalang tanong ng yaya. "E di linisin mo, ikaw na yun eh, ako driver lang" sagot naman ng driver. di naman sila nagtatalo, nagtuturuan lang.

Ang napagkasunduan nila ay tawagin na ang aleng maingay upang umuwi na. Pero bago nila ito nadesisyonan, may limang minuto o higit pa na sila ay nag-uusap. Ang tanong ko sa sarili ko "kamusta na kaya yung lalake na may tae sa salawal?"

Nang sabihan nila ang aleng maingay tungkol sa nangyari, ang tanong ng ale "Eh ano ang gagawin ko?" malakas ang boses n'ya, pero hindi naman s'ya galit. Napagdesisyonan niyang wag na hintaying ang doktor at umuwi na lamang. Tsaka naman dumating ang doktor. At dahil una sila sa listahan, napigil ang kanilang pag-alis. Nagpatingin ang ale sa doktor.

At habang nagpapatining ang aleng maingay, nag-uusap ang yaya at driver sa may pintuan tungkol sa kung gaano kahirap pag-silbihan ang mga amo nila dahil sa pagiging maingay at madalas ay masakit magsalita. Habang nag-uusap sila hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung kamusta na yung lalake na may tae sa salawal.

Sa bawat tanong nila ng "ano ang gagawin ko?" at sa bawat minutong lumilipas, gusto kong tumayo at lapitan sila para sabihing "linisan nyo kaya yung matanda?! sige kayo, pagsakay nyo sa sasakyang nyo lahat kayo mamamatay sa baho!"

Randome Me: Mata

Doctor: Ah, Precious, matanong ko lang, gusto lang kasi nating malaman kasi, baka may thyroid problem ka, yang mata mo ba eh...(antagal!)

Ako: opo, ganyan na po talaga yan, malaki talaga, pero wala po akong thyroid problem, malaki lang talaga mata ko.

(hindi ko kayo pinandidilatan, malaki lang talaga ang mata ko!)

Monday, January 28, 2013

May Komedya sa Ospital

9 days sa ospital, narito ang aking mga naranasan na nakaiinis at nakatutuwa:

1. kinakausap ako ng doctor sa ER, biglang pumapasok ang nurse na nakikipag-coordinate sa HMO at nakikpag-sabayan ng tanong sa doctor. Hindi ko napigilang humirit ng "teka lang, sabay sabay eh, sino ba unahin ko?" nakangiti ako, don't worry.

2. kinabitan ako ng NGT, ewan kung short for what yan, pero tube yan na pinapadaan sa ilong diretso sa tyan, dyan pinapadaan ang osterized food para maka-kain. Sarap sapakin o murahin nung doktor. DOn't get me wrong, mabait yung doktor, masakit lang talaga nung ikinakabit yung NGT. buti na lang si ate huminirit ng "very good kyo, very good, sige swalllow lang, very good" para lang akong aso na bumabait nung nagsasalita si ate.

3. dinala ako sa surgery para sa endoscopy ng lalamunan. masama ang loob ko kasi tinanggal ako cutix ko sa paa! Anway, sarap ulit sapakin at murahin nung doctor. Biruin mo, may NGT na ko, eendoscopy pa lalamunan ko. Spray spray lang sa lalamunan ang anesthesia. buti na lang mabait yung nurse at pinupunasan ako ng pawis at luha. oo naiyak ako, di ako makamura eh!

4. Bone marrow extraction, ang pinakakinatatakutan ko. marami na akong narinig na kwento tungkol sa kung gaano ito kasakit, kaya nang dumating ang araw na gagawin na sa akin, muntik ata mapatid ang rosaryo ko sa kakadasal ko. Dad ko ang kasa ko, nakatagilid ako sa kama at nakaharap sa kanya, sa likod kasi ako kinunan, so daddy ko lang ang nakakita. Ay, mahal talaga ako ni Lord kasi wala ang narandaman. Lahat nang sabihan ko nito hindi makapaniwala, pero hindi ko talaga naramdaman, kinuweto na lang ni dad kung pano ginawa. pagkatapos ng procedure, sabi ng doktor (hindi sya yung sa NGT) "nasaktan ba kita? mukhang hindi naman kasi nakangiti ka pa" ay totoo naman na nakangiti ako dahil hindi ako makapaniwala.

5. isang tila laging wala sa sarili na nurse ang na-assign sa akin. Mabait naman at madaling kausap, tila lang ala sa sarili, mantakin nyong nang i-BP ako, sinuot nya ang stetoscope, itinapat sa pulso ko tsaka pumindot sa pang-BP, pero yung tela na iniiikot sa braso para humigpit at nasa basket pa!!!!!!! tumingin na lang ako sa malayo, patay malisya lang hanggang marealize nya 

6. tinanong ako ng medtech kung ilang beses na ko kinunan ng dugo. natawa na lang ako. pasa pasa na kas yung magkabilang fold ng braso ko (yung likod ng siko hahahah, ano tawag dun?) sobrang daming beses ako nakunan, at hindi birong laki ng hiringgilya ang ginamit. may isang kuha sa akin na 6 tubes ang pinuno. Di ko na nga napigilan sabihin na "ala na nga ako dugo kuha pa kayo ng kuha" pero muli, nakangiti ako.

7. naka-apat na lipat ng swero sa kamay ko, sikat na naman ako sa ospital dahil sa hirap kong hanapan ng ugat, ultimo yung mga tinatawag nilang 'shooter' 2 takes pa rin. yung unang nilagay namaga, pangit pwesto. yung pangalawa, maganda pwesto pero pinakamaliit na karayom ang ginamit so hindi pwede sa blood transfusion (BT). yung pangatlo, ok sna kaso laging clogged pagdating nung 2nd bag ng dugo. After ng BT tinanggal ang tube ng swero at pinalitan ito ng heplock, dito papadaain ang diluted anti-biotics ko. pero lagi na pa rin itong clogged, hindi naman pwedeng tuluyang tanggalin ayon sa nurse kasi nga may anti-biotics pa ko. sa ika-walong gabi ko sa ospital, hindi ko na napigilan mag-sungit, ang mga nasungitan:

a. medtech na kumuha ng dugo at tumusok dun sa may pasa, umiyak talaga ako at ang sabi ko sa kanya "alam mo, first time kong umiyak dahil lang sa blood extraction, ikaw unang nagpa-iyak sa akin."

b. nurse na ng-fu-flush ng heplock ko, dahil sa habang tumatagal na finuflush pasakit na ng pasakit, e sya na yung panggabi, sa mga naka-4 flushes na nung araw na yun. nung sya na, para na talagang sasabog ang ugat ko. E ipinipilit p. sabi ko tuloy "tama na, yang anti-biotic na yan, ireport mo na ayaw ng pasyente, wala naman sila magagawa pag tumanggi ang pasyente. baka pwede nang oral yang anti-biotic, if not lipat na natin yang line sa kabilang kamay at ibalik ang swero para stable at di mag-clog"

c. doctor na dumating para kumuha ng bagong line sa kabilang kamay ko. Antagal nyang nag-hahanap. parang bang nagtatago lahat ng ugat ko. nang makakita ng isang ugat ang doktor, pinalo na iyo ng pinalo upang magalit ang lumaki. Pero walang nangyari, lalo lamang sumasakit ang kamay ko dahil yung pinapalo nya na area at katabi ng pinagtanggalan yung ikalawang linya ng swero. hindi napigilang mainis, "tama na yan, bukas nyo na ko kunan ng linya, papahingahin nyo muna ko, gusto ko matulog!" Kinabukasan, dumating ang panibagong doktor. one hit, nakakuha sya ng linya. kalamado na kasi ako, nakatulog na ng maayos.

sayang din lang yung ikinabit na huling swero, ipinatanggal na rin kahit di pa ubos kasi pinayagan na akong umuwi.