Thursday, February 28, 2013

Random Ino: Pagkain ng May Sakit

Gumawa ako ng pagkain ng may sakit (tawag ni ino sa food nya kasi may sakit sya)

Me: ubusin mo yang noodles mo ha
Ino: noodles lang?
Me: syempre pati sabaw
Ino: e di noodle soup, ubusin ang noodle soup

sus para akong magkakasakit sa pagkakakorek!

Saturday, February 16, 2013

Isang Araw na Nakakabaliw

Kakauwi lang galing sa check-up at ang daming nakakalokang pangyayari...

SA CHECKUP...

Doctor: O Precious, kamusta ka na

Ako: Naku doc, ok na ok, ayan o bumigat ulit ako, 4 kgs ang nadagdag. Medyo malakas po magpagana yung gamot ko.

Doctor: Oo nga eh, medyo mabilis ang gain, hanggang dyan na lang tayo ha, next checkup wag na madagdagan

(wagas doc! bigyan ako bagong problema?! pano ko hindi bibigat kung ginugutom ako ng steroids?)

SA CR NG RESTAURANT NUNG LUNCH TIME...

Ale: (kumatok sa pinto ng communal na cr)

Ako: May tao (malambing na sagot)

Ale: (kumatok ulit nang mas malakas)

Ako: may tao po (mas malakas pang sagot)

Ale: (pinihit ng pinihit ang door knob ang hinihila ang pinto)

Ako: (binuksan ang pinto) ANO BA?! MAY TAO NGA EH!!!!!

(Anak ng pitong puting parak naman! pag naka-lock ang pinto ng cr at di mabuksan malamang may tao! tonta!)

PAUWI SA BAHAY, SA MISMONG KALSADA SA TAPAT...

Sobrang traffic, nakaharang ang mga tricycle sa kalsada at nakatigil ang mga sasakyan, may parada kasi. Malapit na kami sa gate kaya minabuti ni dad na bumaba na mga ilang metro pa bago ang bahay para buksan na ang gate. Nang mabuksan ang gate sumenyas si dad sa driver namin para pumasok na sa natitirang isang lane na bukas sa kalsada para makapasok na sa bahay.

Mamang tricycle driver (na ang tricycle ay isa sa mga nakaharang): (pasigaw) walang daan!

Driver namin: Dyan lang kami (itinuro ang bahay)

Ako: (sa isip lang naman) bobong mama, MAY DAAN, AYAN O ASA DAAN NGA KAYONG LAHAT EH, NAKAHARANG!!!

Sorry, epekto ng steroids ang toyo. Pagkatapos ng mga nakakalokang mga pangyayari at toyo ko. Lumafang na lang ako ng bicho-bicho at nagkape. AT AKO AY LUMIGAYA!

Pano na to doc? susupilin ba talaga ang kaligayahan ko? Mahirap tumanggi sa pagkain!

Tuesday, February 05, 2013

Salisi Boy

Ang init!!!!!!!  grabe naman ang panahon na ito, napaka-init. Kaso, hindi pwede mag-aircon kasi bawal naman ako sa malamig...labo ba? labo! shucks

Anyway, kahapon nagpa-checkup ako ulit sa hematologist, love talaga ako ni Lord kasi ang ganda ng blood test results ko, normal na lahat, tao na ulit ako!

S'ya hindi yan ang kwento, eto yun, nakasabay ko na naman yung last week na may dalang daing na bangus. Wala silang daing ngayon, pero meron sila mga coke zero 

Sadyang ligalig yung mama na last week ay nadumi sa sasakyan, hindi sya makali kahapon, lakad sya ng lakad, at sunod naman ng sunod sa kanya ang driver nila. At habang ganun ang ginagawa nya, ang coke zero nya, tahimik na nakaupo lang dun sa bench hanggang sa...

May isang batang makulit na naupo sa bench, napansin nya ang supot na may coke sa loob. Sinilip nya ito, inamoy. Tapos sinita sya ng yaya nya kaya lumayo sya. Pero dahil nga may taglay atang ibang antas ng kulit ang bata, bumalik sya ulit sa bench na may coke. Sa pagkakataon na ito binuklat na niya ang supot at na-expose na si coke. Pasimpleng nyang kinalog ang lata habang tinignan nya ang paligid.

Biglang eto at paparating na ang matandang lalaki at driver, nanakdbo ang bata sa yaya. Deadma naman yung matanda ang yung driver dun sa coke, mga 2 minutes lang sila sa bench tapos umalis ulit yung matanda, syempre kasunod ang driver.

At pagkaalis ng matanda, andun ulit ang bata, inaaral kung pano bubuksan ang coke. Nang hindi nya malaman kung paano buksan ang lata, para syang tinoyo, nag-iba ang itsura nya at inis na inis sya. Itinapon nya ang coke sa basurahan na katabi ng bench tsaka padabog na naglakad papunta sa yaya.

Napanganga lang ako...huwaaaatttt?!!!!

Oyot na bata yun, pagdating tuloy nung matanda sa bench, nilingon nya ang paligid habang nagkakamot ng ulo, sabay tingin sa akin. E kumakain ako ng popcorn nun.

Lintek na to, baka isipin ako kumuha ng coke nya!!!!

Friday, February 01, 2013

Ang Mysterio sa LIkod ng Mask

Nung isang araw nasa landmark kami. Dahil bagsak ang immune system ko ngayon lagi akong naka-face mask. Eto ang mga reaksyon ng mga nakakasalubong ko:

1. Merong muntik nang malaglag sa hagdan, merong muntik mauntog dahil sa di matanggal nilang tingin sa akin.

2. Merong tila nandidiri sa akin na para bang may dala akong nakahahawang sakit, sarap sabihin na "haller, germs mo ang iniiwasan ko" 

3. Merong tila naiinis, ewan kung bakit. Siguro iniisip nila "ang arte naman nito!"

4. Merong mama na nakakatuwa, pagtabi ko sa kanya, pa-simple nyang inamoy sarili nya!

5. Merong tropa na nang masalubong ko eh bulungan ng bulungan, rinig ko naman ang sinasabi, "Ano kaya sakit n'yan?"

6. Meron din namang diretsa nagtanong sa akin "bakit po kayo naka-mask?" (para hindi magkagulo ang mga tao sa ganda ko!!!)

Naaalala ko tuloy yung mga panahon na nakakikita ako ng mga naka-mask, ang lagi kong tanong sa sarili ko eh "may nakakahawa kaya syang sakit o ayaw n'ya lang mahawa ng sakit?"