Friday, February 01, 2013

Ang Mysterio sa LIkod ng Mask

Nung isang araw nasa landmark kami. Dahil bagsak ang immune system ko ngayon lagi akong naka-face mask. Eto ang mga reaksyon ng mga nakakasalubong ko:

1. Merong muntik nang malaglag sa hagdan, merong muntik mauntog dahil sa di matanggal nilang tingin sa akin.

2. Merong tila nandidiri sa akin na para bang may dala akong nakahahawang sakit, sarap sabihin na "haller, germs mo ang iniiwasan ko" 

3. Merong tila naiinis, ewan kung bakit. Siguro iniisip nila "ang arte naman nito!"

4. Merong mama na nakakatuwa, pagtabi ko sa kanya, pa-simple nyang inamoy sarili nya!

5. Merong tropa na nang masalubong ko eh bulungan ng bulungan, rinig ko naman ang sinasabi, "Ano kaya sakit n'yan?"

6. Meron din namang diretsa nagtanong sa akin "bakit po kayo naka-mask?" (para hindi magkagulo ang mga tao sa ganda ko!!!)

Naaalala ko tuloy yung mga panahon na nakakikita ako ng mga naka-mask, ang lagi kong tanong sa sarili ko eh "may nakakahawa kaya syang sakit o ayaw n'ya lang mahawa ng sakit?"

No comments:

Post a Comment