Tuesday, February 05, 2013

Salisi Boy

Ang init!!!!!!!  grabe naman ang panahon na ito, napaka-init. Kaso, hindi pwede mag-aircon kasi bawal naman ako sa malamig...labo ba? labo! shucks

Anyway, kahapon nagpa-checkup ako ulit sa hematologist, love talaga ako ni Lord kasi ang ganda ng blood test results ko, normal na lahat, tao na ulit ako!

S'ya hindi yan ang kwento, eto yun, nakasabay ko na naman yung last week na may dalang daing na bangus. Wala silang daing ngayon, pero meron sila mga coke zero 

Sadyang ligalig yung mama na last week ay nadumi sa sasakyan, hindi sya makali kahapon, lakad sya ng lakad, at sunod naman ng sunod sa kanya ang driver nila. At habang ganun ang ginagawa nya, ang coke zero nya, tahimik na nakaupo lang dun sa bench hanggang sa...

May isang batang makulit na naupo sa bench, napansin nya ang supot na may coke sa loob. Sinilip nya ito, inamoy. Tapos sinita sya ng yaya nya kaya lumayo sya. Pero dahil nga may taglay atang ibang antas ng kulit ang bata, bumalik sya ulit sa bench na may coke. Sa pagkakataon na ito binuklat na niya ang supot at na-expose na si coke. Pasimpleng nyang kinalog ang lata habang tinignan nya ang paligid.

Biglang eto at paparating na ang matandang lalaki at driver, nanakdbo ang bata sa yaya. Deadma naman yung matanda ang yung driver dun sa coke, mga 2 minutes lang sila sa bench tapos umalis ulit yung matanda, syempre kasunod ang driver.

At pagkaalis ng matanda, andun ulit ang bata, inaaral kung pano bubuksan ang coke. Nang hindi nya malaman kung paano buksan ang lata, para syang tinoyo, nag-iba ang itsura nya at inis na inis sya. Itinapon nya ang coke sa basurahan na katabi ng bench tsaka padabog na naglakad papunta sa yaya.

Napanganga lang ako...huwaaaatttt?!!!!

Oyot na bata yun, pagdating tuloy nung matanda sa bench, nilingon nya ang paligid habang nagkakamot ng ulo, sabay tingin sa akin. E kumakain ako ng popcorn nun.

Lintek na to, baka isipin ako kumuha ng coke nya!!!!

No comments:

Post a Comment