Thursday, April 04, 2013

May Bibliya si Ino

Absent si doc kaya namasyal na lang kami nila mami at ino. Nagpunta kami sa St. Paul store sa Makati, naghahanap kasi si mami ng image ni Mother Theresa. 

On the way sa St. Paul, nangungulit si Ino ng hash brown, gusto daw nya kumain ng hashbrown sa McDo. Ayaw ni mami, kasi hindi naman kumakain sa McDo tong nanay ko, sabi nga ng tatay ko "sophisticated masyado ang panlasa ng mami mo, ayaw sa fast food"

Pagdating namin sa St. Paul natuwa si Ino sa dami ng libro. Inikutan nya ang isang display ng sari-saring bible.

"Ma, pwede ba akong bumili ng pambatang bible?" tanong niya.

"Sige hanap ka" sabi ko naman.

Bigla nyang iniabot sa akin ang isang hardbound na libro. Aba! eh may bitbit na pala!

"O magkano yan?" tanong ko sa kanya.

Itinuro nya yung barcode, pero walang presyo na nakalagay, kaya sabi ko itanong nya sa counter. Mukhang tinamaan ng hiya. Bumalik sya sa display at naghanap ng bible na may presyo. Bigla syang nagkamot at bumalik sa akin.

"Ma tanong natin" sabi nya sa akin

"O bakit, ayaw mo ba yung iba?" tanong ko naman

"Mahal eh" sabi nya

Aba! at may konsepto ng mahal! Tinignan ko ang presyo ng ibang bible. Tama nga naman sya, ang pinakamababa ay P500.00

So, lumapit ako sa counter at itinanong ko ang presyo ng hawak ni Ino ni bible. Kinakabahan ako na baka mahal ulit. Pero natuwa ako nang sabihin ng sales lady na P300.00 lang ito.

Pero mas natuwa ako sa susunod na eksena

"Ma magkano daw?" tanong ni Ino

"300 anak" sabi ko

"Mahal ba yun?" tanong nya ulit

"medyo" sagot ka naman ulit.

"pwede bang wag na lang hashbrown, ito na lang?" tanong ulit nya na medyo malungkot na ang mukha.

Natuwa naman ako. Kung sa normal na kagaguhan ko malamang ay mas pinili ko ang hashbrown kasi mas mura, pero sa sobrang tuwa ko dahil sa interes ng anak ko sa bible, pinili ko na bible. tsaka ko sya ibinili ng nuggets kasi walang hashbrown sa McDo eh.

Ayan, katabi nya matulog ang bible pagkatapos nyang magbasa ng kung ilang pahina!

No comments:

Post a Comment